RICO-CLAUDINE
TAPATAN 2
TUWI na lang may mali-link o kaya’y may magiging boyfriend si Claudine Barretto, natsitsismis siyang nagpakasal, nakikipag-live in,nabuntis at nagpa-abort.
And she answered all those sensitive questions in our conversation with her. Here it goes...
STM: So What’s up about you and Rico Yan?
Claudine: We’re okey. Pareho kaming masaya.
STM: Hindi ba kayo nagkakaro’n ng problema?
Claudine: It’s a normal thing naman to have little quarrels, pero naaayos naman namin ‘yon... So far, as far as I can remember, wala pa naman kaming nagiging malaking prohlema.
STM: How is he as a lover?
Claudine: Ang bait-bait niya. Wala akong masabi sa kanya. He’s sooo patient. Napakatiyaga niya at feeling ko, hindi siya marunong magalit at hindi siya marunong magtampo.
STM: ‘Di ba, mas nakakatakot ‘yung ganu’n?
Claudine: Sabi nga nila. Pero feeling ko, iba siya. Talaga ‘atang hindi siya marunong magalit.
STM: Hindi rin ba siya marunong magselos?
Claudine: ‘Cause he trusts me a lot kaya siguro ganu’n. Alam niyang wala akong gagawing masama, alam din niya na he’s my only love kaya very confident siya.
STM: Eh, ‘di ba, mas feel ng mga babae ‘pag seloso ang boyfriend nila?
Claudine: Sa akin, okey lang na hindi seloso at okey lang na seloso ang boyfriend ko... You know naman about my past relationship. ‘di ba? Maybe one of the reasons why it didn’t last talaga is the selos. You know naman how seloso ‘yong tao, ‘di ba (referring to Mark Anthony Fernandez)?
STM: Napapag-usapan na ba ninyo ang tungkol sa marriage?
Claudine: Hindi pa. Wala pa kaming plano. We’re both young to get married.
STM: Eh, how about the live in issue? Nagli-live-in na ba kayo?
Claudine: No! Bakit naman kami magli-live in, eh, meron kaming separate house?
STM: Pero madalas matulog sa condo mo si Rico?
Claudine: Bumibisita lang siya, pero umuuwi rin siya. We always see each other naman, eh... sa taping, we always talk on the phone.
STM: Eh, how about the issue that you got married na in Canada?
Claudine: No’n pa ‘yan, eh. It’s not true also. Kung magpapakasal kami, hindi sa ibang bansa, dito sa Pilipinas para makita ng friends ko.
STM: Bakit nga ba ayaw n’yo pang magpakasal?
Claudine: Sabi ko nga, we’re not yet ready and for us, we’re both too young to get married. Paghahandaan muna namin sigurong mabuti ang tungkol do’n.
STM: Sigurado ka na ba na si Rico na ang makakasama mo habangbuhay?
Claudine: Actually, I still don’t know. Marami pa ring puwedeng mangyari. Let’s just hope and
pray na lang na ganu’ n nga ang mangyari.
STM: Kelan n’yo ba balak magpakasal?
Claudine: We’ll make sure na everything is okey bago kami magpakasal. Siguro, when we’re both emotionally and financially ready, that’s the right time for us to get married.
STM: Eh, how about the buntis isyu? Ano ba ang totoo rito?
Claudine: I didn’t get pregnant. Kita n’yo naman yung schedule ko sa Saan Ka Man Naroroon. I played three characters in that soap kaya halos araw-araw ang taping ko. Sana napansin nilang lumaki ang tiyan ko kung buntis nga ako, ‘di ba?
STM: Pero ipina-abort mo raw?
Claudine: Diyos ko naman. Hindi pa ba mamatay-matay ang isyu na ‘yan. I’m not affected anymore. Bahala na sila kung anong gusto nilang isipin.
STM: Bakit naman?
Claudine: Kasi lahat na lang, eh, ibinintang nila sa akin... I’m manhid na, immune na ako, eh.
STM: Okey lang sa ‘yo na iniintriga ka?
Claudine: It’s part of our business, eli! Wala na akong magagawa riyan. But don’t worry, I know, I mean we both know how to handle intrigues now.
See how strong they are now! Pinatatag na sila ng mga intriga. Pero ang puso nila’y nananatiling mapagmahal. Let’s wish them all the luck in the world para naman tumagal pa ang kanilang relasyon.
Source: Super Teen Magazine,
07/30/00 by LEO BUKAS